ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Edu Manzano on online bashing: ‘The Internet is breeding a culture of hate’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Itinuturing man siyang isa sa mga beterano sa showbiz, hindi raw lingid sa kaalaman ng “Someone To Watch Over Me” star na si Edu Manzano ang bashing na natatanggap ng ilan sa mga tulad niyang artista at mga kilalang personalidad.

Nakakalungkot umanong isipin na ang internet, na para sana magbigay-daan sa maayos na diskusyon at pagkakaibigan, ay nagiging paraan pa upang makapagbato ng masasakit na salita.

Aniya sa panayam ng Pep.ph, “The internet was created to form associations and friendships. Now, it's breeding a culture of hate. I think we are losing the very essence kung bakit may internet.”

“'Pag makita mo 'yung ibang bashing... parang napakalalim yung galit, yung anger, yung passion, napakainit ng dugo ng mga nagto-troll diyan, yung mga nangba-bash. When they don't even know who they're bashing. Para lang makapang-bash,” dagdag pa niya.

Tulad ng marami, umaasa ang batikang aktor na tumigil na sa lalong madaling panahon ang kultura ng bashing at pagpapalaganap ng pagkamuhi o hate sa social media.

Ayon kay Edu, “Sana we take a step back and try to remember kung bakit nagkaroon ng internet. It was supposed to foster friendships from all over the world, kasi wala nang boundaries. Ang mundo ay naging flat. But now, kung titignan mo, it's breeding a culture of hate.”

Nakatakdang bumida si Edu sa GMA Primetime series na “Someone To Watch Over Me,” na mapapanood na simula September 5.

Kabilang rin sa mga magbibigay-buhay sa kuwentong ito sina Tom Rodriguez, Lovi Poe, Max Collins,  Jackie Lou Blanco, Isay Seña, at Ronnie Lazaro, pati sina Boy2 Quizon, Ralph Noriega, at Frances Makil. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News