ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rufa Mae Quinto confirms pregnancy


Matapos ang bali-balitang ipinagbubuntis na niya ang unang anak nila ng kaniyang kasintahang si Trevor Magallanes, kinumpirma na ng “Bubble Gang” star na si Rufa Mae Quinto ang kaniyang pagbubuntis nitong Linggo.

Matatandaang nagsimula ang usapan tungkol sa kaniyang pagbubuntis dahil sa social media post ng kaniyang kaibigan na si Grace Lee, kung saan tinawag siya nitong “glowing pregnant lady.”

Ayon kay Rufa Mae sa kaniyang Instagram posts, walang kapantay na kaligayahan ang kaniyang nararamdaman ngayong nagdadalang-tao na siya.

“No more emptiness, tiredness only and happiness and blessing ever. I said (it's like) hangovers, ganoon na-feel ko noong una. Hindi ko alam ano 'yung nagbago sa body ko, 'yun pala, my little one,” pagbabahagi ng sikat na komedyante.

Dagdag pa niya, “Salamat sa blessings at kasama kayo lahat, guys! Yes! I am really the happiest!”

 

 

A photo posted by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on

 

Nakatakdang ikasal ang 38-year-old actress sa kaniyang fiancé na si Trevor Magallanes.

“I'm so overwhelmed. I never thought there's love like this and that... My friends are more excited than me. They said we've been waiting for this for so long so let's make it a dream wedding," ayon kay Rufa Mae sa naunang pahayag.

Nais raw ng “Bubble Gang” star na magkaroon ng isang simpleng beach wedding ngayong taon.  — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News