Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards receives 8x Platinum award for ‘Wish I May’ album


Matapos niyang matanggap ang 7x Platinum award para sa kaniyang album na “Wish I May” nitong nakaraang Hulyo, tinanggap naman ni Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” Dabarkads Alden Richards ang 8x Platinum award para sa nasabing album nitong nakaraang Linggo, September 18.

Labis ang pasasalamat ng Kapuso heartthrob at “Encantadia” star sa mga patuloy na sumusuporta sa kaniya, mula sa kaniyang pagbida sa mga programa at pelikula, hanggang sa paglulunsad ng kaniyang singing career.

“Hindi para sa akin ito, para ito sa mga sumusuporta, at kay Lord, at sa nanay ko,” aniya nang tanggapin ang award sa Kapuso comedy variety show na “Sunday Pinasaya.”

 

 

A video posted by MHAV? (@ricnic_16) on

 

Dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang maging emosyonal si Alden nang tanggapin ang 7x Platinum award para sa “Wish I May.” 

Aniya sa naunang pahayag, “Thank you po kasi hindi kayo bumibitaw. Kahit na ang dami nang nagdududa, ang daming naggi-give up sa akin. Thank you."

"Sana, doon sa supporters, kung may nagdidikta man sa inyo, alam niyo naman po ang tama at kung sino ang dapat paniwalaan at kung sino ang mabuti ang puso," dagdag pa niya.

Maliban sa araw-araw niyang pagbida sa "Eat Bulaga!" at sa linggo-linggo niyang pagpapasaya sa "Sunday Pinasaya," mapapanood na rin si Alden sa GMA Primetime series na "Encantadia" bilang ang Mulawin na si Lakan.

 

 

A photo posted by Mega Unciano (@megaunciano) on

 

— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News

LOADING CONTENT