Camille Prats does #FettyWapChallenge, #BeanBoozledChallenge with son Nathan
Natuwa ang marami sa bonding moment na ng Kapuso host-actress na si Camille Prats at ng kaniyang anak na si Nathan nitong Lunes, na ipinasilip ng aktres sa kaniyang mga tagahanga.
Ayon kay Camille, nangako siya sa kaniyang anak na gagawin nila ang viral na #FettyWapChallenge pagkatapos nilang mag-review para sa pagsusulit nito.
“My Mom promised to do the #fettywapchallenge with me if I get all answerd correctly while reviewing for tomorrow's unit test!” ayon kay Nathan.
Sabi naman ng Kapuso host-actress sa kaniyang Instagram post, “Sabi nga nila, time will come when you'll prefer to do other things rather than hangout with me, so now that you still do, I'll do all sorts of crazy with you.”
Sa mga hiwalay na post ni Nathan, makikita ang iba pang “challenges” na ginawa ng mag-ina.
Isa na rito ang #BeanBoozledChallenge, kung saan hindi sila sigurado sa lasa ng jelly beans na kanilang kakainin.
Did the #BeanBoozledChallenge with my Mom @camilleprats this is Part 1!!!
A video posted by Nathaniel Prats Linsangan (@tatanlittleman) on
#BeanBoozledChallenge Part 2 ????????????
A video posted by Nathaniel Prats Linsangan (@tatanlittleman) on
#BeanBoozledChallenge part 3 ????????????
A video posted by Nathaniel Prats Linsangan (@tatanlittleman) on
Maliban sa kaniyang showbiz projects at mom duties, abala rin ngayon si Camille sa paghahanda para sa nalalapit niyang kasal sa kaniyang fiance na si VJ Yambao.
Matapos ang kanilang engagement noong July 2015, nakatakda nang ikasal sina VJ at Camille sa susunod na taon. — RSJ, GMA News