Carla Abellana posts series of photos from Europe for Tom Rodriguez’s birthday
Ipinagdiwang ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang kaniyang 29th birthday nitong Sabado, at kabilang nga sa mga unang bumati sa kaniya ang aktres at napapabalitang kasintahan niya na si Carla Abellana.
Sunod-sunod na larawan mula sa kanilang Europe trip ngayong taon ang nai-post ni Carla para batiin ang “Someone To Watch Over Me' star.
Kabilang na rito ang kanilang larawang kuha sa Fontana Di Trevi sa Rome, Venice Canals sa Italy, at Musee de Louvre sa Paris.
Happy Birthday, @akosimangtomas ?? #roma #fontanaditrevi
A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on
“May God bless you on your birthday and all the days of your life... Only happiness and love on your birthday,” aniya.
A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on
Only happiness and love on your birthday, @akosimangtomas ?? #paris #museedulouvre
A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on
Hindi man nila nais lagyan ng label ang kanilang relasyon, inamin ni Tom na napag-uusapan na nila ni Carla ang pagpapakasal.
“That's definitely a part of my plan. It's what I want. If I didn't have to work for survival, kahit ngayon na. Pero siyempre, the reality is hindi kayang lahat ay instant. Marami pang kailangang asikasuhin bago mo maisip ang sarili mong kapakanan,” aniya sa naunang panayam.
Dagdag pa ng Kapuso heartthrob, “Kailangan mai-prioritize ang mga bagay-bagay. But in terms of readiness, I'm ready... Masasabi ko, we're on the same page. It seems like we're both ready.”
Sa ngayon, nagpapasalamat raw si Tom na nauunawaan siya ni Carla, at naiintindihan nito hindi lamang ang kaniyang mga pinagdadaanan, kundi maging ang kaniyang buong pagkatao.
“To be with a person who nurtures you, who believes in you, and inspires you, and is there supporting you, ang sarap sa pakiramdam. Alam kong hindi para sa lahat ang kakulitan ko. But I'm glad na it's for someone. It may not be for everyone, but it's for someone,” paliwanag niya.
Dagdag pa ni Tom, “I'm a lucky guy.”
Mapapanood si Tom sa Kapuso talent show na “#Like” tuwing Sabado kasama ang internet sensation na si Balang at ang iba't ibang personalidad at grupo na sumikat sa social media at nakatakdang magharap at magtagisan ng galing sa programa.
Bida rin ang Kapuso actor sa GMA Primetime series na “Someone To Watch Over Me” kasama sina Lovi Poe, Max Collins, Jackie Lou Blanco, Edu Manzano, at marami pang iba. — RSJ, GMA News