ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Glaiza de Castro receives Gold Record award for ‘Synthesis’ album


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinanggap ng Kapuso actress at “Encantadia” star na si Glaiza de Castro ang Gold Record award nitong Linggo para sa “Synthesis,” ang kaniyang self-produced album na nailunsad nitong nakaraang taon.

Walong orihinal na kanta na sinulat mismo ng aktres at ng kaniyang mga kaibigan ang mapapakinggan sa album.

Makikita rin dito ang mga artwork na gawa ng malalapit na kaibigan ni Glaiza, kabilang na ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.

“Didn't really expect that from self producing 1000 copies, it'd reach more. Only because someone believed and listened to it. Otherwise, these songs will still be buried in Garageband,” aniya sa isang Instagram post.

Dagdag pa ni Glaiza, “Thanks for giving answers to my doubts, giving success to my failures and letting me do what I love that I once thought impossible.”

 

 

A photo posted by Glaiza Galura (@glaizaredux) on

 

Sa isang hiwalay na post, nagpaabot ng pagbati sa aktres ang kaniyang kaibigan na si Angelica Panganiban, na kabilang sa mga tumulong sa kaniyang magsulat ng mga awitin.

“Amigah, hindi ko ito inakala... Hindi ko pinagdudahan ang kakayahan mo. Nakakataba lang ng puso ang mga nararating mo. Tigil mo na 'yang emote mo sa 'kin! Tapusin mo na lahat ng pinadala ko sa'yo. Congrats, amigah! Mahal kita, with a resibo. Forevs, amigs,” ayon kay Angelica.

Sagot ni Glaiza, “Masaya ako para sa atin! Higher, amiga, papuntang highest! Salamat sa inspirasyon! Babalikan ko 'yung mga letra... Salamat sa mga salitang hindi ko kayang sabihin ngunit nagbigay inspirasyon sa mga himig na patuloy nating kakantahin.”

 

 

Mapapanood ngayon si Glaiza bilang Sang'gre Pirena sa remake at retelling ng Kapuso fantasy series na "Encantadia," kasama sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Rocco Nacino, Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, at marami pang iba. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News