Paul Soriano and Toni Gonzaga's baby boy gets his own Instagram account
Isinalang na nitong Biyernes, September 30, si Severiano Elliott, ang panganay na anak ng host-actress na si Toni Gonzaga at ng direktor na si Paul Soriano.
Ilang araw pa lamang ang nakalilipas, certified social media darling na si Baby Seve.
Umani na ng libo-libong likes ang social media posts ng kaniyang mga magulang at kamakailan lamang, gumawa na ang proud parents ng Instagram account para sa kanilang unico hijo.
“My full name is Severiano Elliott Gonzaga Soriano, you can call me Seve. My dad is Paul and my mom is Tin. I was born on Sept 30, 2016,” nakasaad sa nasabing account.
with my dad @paulsoriano1017 photo by mom @celestinegonzaga
A photo posted by Severiano Elliott (@severianoelliott) on
Maliban sa sweet father-and-son photo, ipinasilip rin sa Instagram account ni Baby Seve ang mga regalong ipinadala para sa kanilang pamilya.
“Thank you for all your warm welcome. I feel so loved.” nakasaad sa caption ng Instagram post.
Thank you for all your warm welcome. I feel so loved.?? -Seve
A photo posted by Severiano Elliott (@severianoelliott) on
Sa ngayon, mayroon nang halos 22,000 followers ang Instagram account ng baby boy nina Toni at Paul.
Tulad ni Baby Seve, ilang celebrity babies na rin ang mayroong sarili nilang Instagram accounts, tulad na lamang ng anak nina Hayden Kho at Dra Vicki Belo na si Scarlet Snow (@scarletsnowbelo) at ng anak nina Andi Manzano at GP Reyes na si Olivia (@oliviamreyes). — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News