ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Camille Prats looks back at ‘poop prank’ by 6-year-old Nathan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nitong nakaraang linggo, magiliw na ibinahagi ng Kapuso host-actress at “Mars” host na si Camille Prats ang nakakatuwang video ng kaniyang anak na si Nathan noong anim na taong gulang pa lamang ito.
 
Mapapanood sa nasabing video kung paano ginawa ni Nathan ang “poop prank” gamit ang clay.
 
“How time flies!!! Nathan did a prank on me when he was about 6 years old and he caught it all on video. Oh my @tatanlittleman,” ayon kay Camille.
 
Silipin ang nakakatuwang reaksyon ng Kapuso star sa prank ng kaniyang anak:
 
 

A video posted by Camille Prats (@camilleprats) on

 
 

A video posted by Camille Prats (@camilleprats) on

 
Maliban sa mga throwback videos at photos, hilig rin ni Camille na magbahagi ng bonding moments nila ni Nathan, na walong taong gulang na ngayong taon.
 
Kamakailan lamang, ginawa ng mag-ina ang nauusong #FettyWapChallenge at #BeanBoozledChallenge. 
 
 
Bukod sa kaniyang showbiz projects at mommy duties, abala rin ngayon si Camille sa paghahanda para sa nalalapit niyang kasal sa kaniyang fiance na si VJ Yambao.
 
Matapos ang kanilang engagement noong July 2015, nakatakda nang ikasal sina VJ at Camille sa susunod na taon. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News