ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

‘Bubble Gang 2K batch’ enjoys grand reunion


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling nagsama-sama ang ilan sa mga naunang cast ng longest-running Pinoy comedy sketch gag show na “Bubble Gang” para sa isang simple ngunit masayang reunion kasama ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Ilan lamang sa mga nagpunta sa tinawag nilang “Grand Eyeball” sina Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Boy2 Quizon, Maureen Larrazabal, Ara Mina, at sina Antonio Aquitania, Michael V., at Ogie Alcasid na ilan lamang sa mga orihinal na cast ng programa, na nagsimula noong 1995.

Naroon din sina Regine Velasquez, Trevor Magallanes, Andy Smith, at Frank Shotkoski.

“Great place and good company” ang caption ni Bitoy sa isang larawan mula sa kanilang reunion.

Ayon naman kay Maureen, “So nice to see everyone again. #happyPeople”

 

 

Nag-edit naman ng larawan si Boy2 upang makasama si Wendell Ramos, na isa rin sa mga orihinal na cast ng “Bubble Gang.”

“The Best Batch.....ever!” ayon kay Francine.

Mensahe naman ni Ara, “Bubble Gang 2K get together! I miss our batch. So happy to see all of you, guys. Sayang incomplete kami wala si Wendell. Anyway, sa mga nakapanood sa batch namin anong segment or portion ang naaalala nyo at paborito nyo?”

 

 

A photo posted by Boy II Quizon (@boy2quizon_) on

 

 

 

A photo posted by Francine Prieto (@norweirdgian) on

 

Sa isang nakakatuwang video kung saan nagsasayaw sina Maureen at Francine, tila napa-throwback naman ang kanilang followers.

“Baliw pa rin kami! Hihihi!” ayon kay Francine.

 

 

A video posted by Francine Prieto (@norweirdgian) on

 

Sa ngayon, bida pa rin sa “Bubble Gang” sina Bitoy, Antonio, at Boy2, kasama sina Sam Pinto, Gwen Zamora, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Paolo Contis, Max Collins, Diego Llorico, Moymoy Palaboy, Kim Domingo, Arny Ross, Valeen Montenegro, at marami pang iba. — RSJ, GMA News

Tags: bubblegang