Claudine Barretto spends time with children in pad she owned with Rico Yan
Nagbalik-tanaw ang aktres na si Claudine Barretto sa mga alaala ng kaniyang dating kasintahan na si Rico Yan nitong nakaraang linggo, higit sa 14 taon mula nang pumanaw ang aktor dahil sa acute hemmorhagic pancreatitis.
Kasama ang kaniyang mga anak na sina Sabina at Santino, muling binalikan ng aktres ang dating tirahan nila ng yumaong aktor .
Kuwento niya sa isang Facebook post nitong nakaraang Biyernes, “Tonight, after 14 years, I will be staying in LPL. The pain is so strong, I'm afraid it may knock me down. But I have to face tonight without you . Too many memories that are so clear like it was just yesterday. Just you & me.”
“Tonight, with my kids. (It's their) first time to ever step foot in our home. Feels surreal. Help me do this with grace, maybe a lot of tears, but help me get through this with a smile,” dagdag pa niya.
Tatlong araw na namalagi ang aktres at ang kaniyang mga anak sa itinuring na tahanan ng dating magkasintahan.
Sa isang Instagram post, nagpasalamat si Claudine sa kapatid ng aktor na si Tina Marie Yan para sa ibinigay nitong tulong at pagmamahal.
Ayon sa aktres, “#tinamarieyan thanks for our crying session earlier. Missing u. So surreal but grateful to spend two nights here. I luv u Tinee #sistersforlife”
Nitong mga nakaraang buwan, ipinapasilip ni Claudine sa kaniyang mga tagahanga ang ilang lumang handwritten letters mula kay Rico.
Maliban sa pangungulila sa dating kasintahan, ibinabahagi raw ng aktres ang kaniyang mga personal na alaala para na rin sa mga tagahanga ng namayapang aktor.
Apat na taong magkarelasyon sina Claudine at Rico nang pumanaw ang aktor dahil sa hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, noong March 29, 2002.
Ayon kay Claudine sa naunang pahayag, taun-taon ay itinuturing niya pa ring "nightmare" ang death anniversary ng namayapang aktor. — VVP, GMA News