ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Lovi Poe gleefully tours her new home 


Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinasilip na ng Kapuso actress at “Someone to Watch Over Me” star na si Lovi Poe ang kaniyang bagong bahay, walong buwan matapos niyang ibalita ang tungkol sa pagpapagawa nito.

Kasama sa ipinakita ng aktres ang kaniyang naging reaksyon nang unang beses niyang makita ang bagong bahay.

“Oh my God! It's so nice! What? It's so nice. It doesn't look anything like it used to look like. It's so nice!” aniya sa isang Instagram video

 

Ipinasilip rin ng aktres sa sumunod na post ang simple ngunit eleganteng pagkaka-disenyo sa kaniyang bahay.

White at blue ang mga nangingibabaw na kulay sa kaniyang sala at dining room.

 

White and blue. ???? #designmadehappy @paolarity @heiminteriors

A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on

 

Maliban sa GMA Primetime series na “Someone to Watch Over Me,” bida rin si Lovi sa  erotic sex drama na "The Escort," kung saan nakapareha niya sina Derek Ramsay at Christopher de Leon.

“It's intimate, very daring, and maganda ang story... It's about how far can you go for love, and it's very different because it's about being an escort and kung ano talaga ang nagtulak sa kaniya doon,” ayon sa Kapuso actress.

Dagdag pa niya, "I think it is the sexiest I have done. Matagal na panahon rin akong nagpahinga sa ganitong klaseng pelikula. Now, I'm back, and suwerte ako na kasama ko si Derek Ramsay at Christopher de Leon.”

Napapanood na ang nasabing pelikula sa mga sinehan sa Pilipinas simula nitong November 2. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News

Tags: lovipoe