ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Glaiza de Castro reacts to her audition clips for ‘Encantadia’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bago muling bigyang-buhay ni Glaiza de Castro ang karakter na si Pirena mula sa hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” dumaan muna siya sa sunod-sunod na auditions upang patunayang karapat-dapat siya sa role.

Mula pa noong una, si Pirena na raw ang nais gampanan ng Kapuso actress.

Tatlong audition ang pinagdaanan ng aktres, ngunit hindi lahat ng ito ay para sa napupusuan niyang karakter.

Aniya, “Si Pirena talaga 'yun aim ko, per pinag-try rin nila ako for Danaya. Parang noong time na 'yun, mas napupusuan ko talagang maging Pirena.”

“Gusto ko 'yung element ng fire. Kapag sinabi mong fire, burning, feisty, passionate. Feeling ko, 'yung qualities ng fire ay nasa akin din,” dagdag pa ni Glaiza.

Bago pa man daw sumabak sa shooting para sa “Encantadia,” nagkaroon na ng pagkakataon si Glaiza na maisuot ang orihinal na costume ni Pirena, na naunang ginampanan ni Sunshine Dizon noong 2005.

Kuwento niya, “Second audition ko, pinagsuot nila kami ng original costume. Kilig na kilig ako noong mga panahong 'yun, gustong-gusto kong i-upload kaso hindi puwede. Confidential pa lahat at saka hindi pa final 'yung cast. Sinabihan kami na kahit pinagsuot na kami ng costume, hindi pa rin kami dapat mag-expect na mapupunta sa amin ang role.”

“Noong time na 'yun, naisip ko na okay lang kahit anong mangyari. 'Yung experience na nasuot ko ang original costume, masaya na ako doon, kahit anong mangyari,” pagtatapos ng aktres.

Gabi-gabing mapapanood si Glaiza sa remake at retelling ng Kapuso fantasy series na "Encantadia" bilang si Sang'gre Pirena.

Kasama niya ring muling nagbibigay-buhay sa iconic teleserye sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez, bilang Sang'gre Amihan, Sang'gre Alena, at Sang'gre Danaya.

Bida rin sa Kapuso Primetime series sina Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, Mikee Quintos, Rodjun Cruz, Neil Sese, Carlo Gonzales, at marami pang iba. —Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News