ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Bakit ‘the best’ ang ‘Encantadia’ para kay Ruru Madrid?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binalikan ng Kapuso actor at "Encantadia" star na si Ruru Madrid ang kaniyang audition video para sa remake at retelling ng nasabing hit Kapuso fantasy series ngayong taon.

Aniya, marami na raw ang nagbago mula nang mag-audition siya upang bigyang-buhay ang karakter na si Ybarro.

"Sobra akong nagulat sa tiyan ko, ang laki. Buti na lang, audition lang ito at hindi ipinalabas sa TV," biro ni Ruru.

Dagdag pa niya, "Pagdating sa acting, nakakatawa kasi noong time na 'yun, hindi ko sinusubukang maging magpakahambog, maangas o mayabang, pero kailangan kasi. 'Yun ang role ni Ybarro, kaya pinilit kong gawin."

Wala naman daw nagbago sa chemistry nila ng kaniyang ka-loveteam na si Gabbi Garcia, na gumaganap naman bialng Sang'gre Alena.


EXCLUSIVE: Ruru Madrid reacts to his audition... by encantadia2016

Para kay Ruru, isa sa pinakamalaking break niya bilang isang artista ang pagkakabilang sa star-studded cast ng bagong "Encantadia."

Aniya, "Para sa akin, ito ang biggest break sa career ko hindi lang dahil sa Ybarro, na naging role ni Dingdong Dantes—na Primetime King ngayon. Sobrang pinangarap ko itong fantaserye. Hindi pa ako artista, gusto ko nang gumawa ng ganito. Napanood rin ko dati ang 'Encantadia' before, kaya gustong-gusto ko talaga 'yung role."

"Sobrang worth it lahat ng paghihirap. Para sa akin, the best ito," pagtatapos ng aktor.

Gabi-gabing mapapanood si Ruru sa remake at retelling ng Kapuso fantasy series na "Encantadia" bilang si Ybarro/Ybrahim.

Kasama niya ring muling nagbibigay-buhay sa iconic teleserye sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro bilang Sang'gre Amihan, Sang'gre Alena, Sang'gre Danaya, at Sang'gre Pirena.

Bida rin sa Kapuso Primetime series sina Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, Mikee Quintos, Rodjun Cruz, Neil Sese, Carlo Gonzales, Rocco Nacino, Solenn Heussaff, Pancho Magno, Vanness del Moral, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News