LJ Reyes creates ‘Mommy App’
Maliban sa pagiging award-winning actress sa telebisyon at pelikula, proud smartphone app creator na rin ang Kapuso actress na si LJ Reyes, na kamakailan lamang ay inilunsad ang “MApp” o ang tinatawag niyang “Mommy App.”
Aniya, nais niyang makatulong sa kapwa mommies sa pamamagitan ng nasabing app, kung saan makikita ng mga nanay ang ilang family-friendly establishment sa Pilipinas, gaya ng mga kainan at pasyalan.
Mayroon rin itong ilan pang espesyal na features, tulad na lamang ng emergency numbers, first aid tips, at symptom checker.
Katulong ni LJ sa pagbuo ng nasabing app ang kaniyang kasintahan at “Alyas Robin Hood” actor na si Paolo Contis.
“Nandoon naman ako to support her all the way. I have been a part of MApp since Day 1,” ayon sa Kapuso actor.
Partners in life
Bukod sa pagtulong sa paggawa ng “MApp,” malaking tulong rin umano si Paolo sa pagpapalaki kay Aki, ang unico hijo ni LJ.
Sa katunayan, malapit na nga raw ang loob ni Paolo at Aki sa isa't isa.
Masaya si LJ na maganda ang relasyon ni Paolo sa kaniyang anak, at maganda rin ang relasyon niya sa mga anak nito.
Kamakailan lamang, binisita ng magkasintahan ang mga anak ni Paolo kay EB Babe Lian Paz sa Cebu.
Ayon sa Kapuso actress, “Napaka-sweet ng mga bata... Na-feel ko ngayon na mayroon akong partner in life.”
“I'm very thankful kay Lian for giving time na ipahiram 'yung mga bata,” pahayag naman ni Paolo.
— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News