ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
AFTER OGIE'S ‘BUBBLE GANG’ APPEARANCE
Add GMA on Google
Buddies Michael V. and Janno Gibbs exchange best wishes
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tinutukan ng marami nitong nagdaang Biyernes ang unang bahagi ng “21 Gang Salute”, ang two-part anniversary special ng longest-running Pinoy comedy sketch gag show na “Bubble Gang” kung saan bibigyang-pugay ng cast ang ilan sa mga pinakamagagaling na komedyante sa Pilipinas.
Kabilang sa mga espesyal na bisita ng programa ang batikang singer at komedyante na si Ogie Alcasid, na isa sa mga orihinal na miyembro ng “Bubble Gang” cast.
Maliban sa pagpapasaya sa “Istambay sa Looban” segment, bida rin si Ogie sa pagbibigay-pugay sa pambihirang tambalan ng mga komedyanteng sina Dolphy at Panchito Alba, kasama ang award-winning Kapuso comedian na si Michael V.
A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on
Maraming manonood ang natuwa sa tribute na ginawa nina Ogie at Bitoy, kabilang na ang singer-songwriter na si Janno Gibbs, na matalik na kaibigan ng dalawa at naging kasamahan rin nila sa pagpapatawa.
Isa si Janno sa mga nagpaabot ng pagbati kay Bitoy para sa matagumpay na unang bahagi ng “21 Gang Salute”.
“Great job on the Dolphy-Panchito with Ogie, pre!” aniya.
Sa sagot ni Bitoy, ipinarating niya ang pasasalamat sa kaibigan at ang hiling na muling magkasama-sama silang tatlo sa iisang proyekto.
Ayon sa Kapuso star, “Thanks brod! Sa totoo lang, naalala kita habang ginagawa namin 'yun. Miss ko na kayo makatrabaho uli.”
?
Kasabay ng pagpapalitan ng mensahe na ito, umaasa ang marami na muling mapanood ang comedic trio nina Bitoy, Janno, at Ogie.
Mapapanood ang ikalawang bahagi ng “Bubble Gang: 21 Gang Salute” sa December 2, pagkatapos ng “Someone To Watch Over Me”. — DVM, GMA News
More Videos
Most Popular