ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sunshine Dizon shares greatest lesson she learned from marital problem


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi lingid sa kaalam ng marami ang pinagdadaanan ng Kapuso actress at "Ika-Anim Na Utos" star na si Sunshine Dizon matapos siyang makipaghiwalay sa asawang si Timothy Tan ngayong taon.

Matapos ang ilang buwan mula nang naging usap-usapan ang nasabing hiwalayan, na nauwi pa sa paghahain ng concubinage complaint at paglabag sa violence against women and children's act ng aktres laban kay Timothy, ibinahagi ni Sunshine ang ilan sa pinakamahalagang aral na natutuhan niya.

Aniya sa isang panayam ngayong linggo, "The greatest lesson that I've learned with everything that has happened with my life right now is just push through. Marami lang talagang obstacles in life. It's just a matter of how you handle it and how you look at it. "

"Will it make you better? Will it drag you down? Life is always a choice. Just be positive everyday and push lang," dagdag pa niya.

Sa ngayon, nasa mabuting kalagayan umano si Sunshine at ang kaniyang mga anak, at labis ang kaniyang pasasalamat sa mga kapamilya at kaibigan na itinuturing niyang "support system" sa gitna ng pinagdaraanang pagsubok.

Maliban sa trabaho, nakatuon ngayon ang pansin ng aktres sa pag-aalaga sa kaniyang dalawang anak na sina Doreen at Anton.

Ayon sa Kapuso actress, "I'm very good. I have a very good support system. Ako naman, as long as my kids are happy and okay, I'm okay. My personal feelings has nothing to do with it anymore. Hayaan na lang natin na ang batas ang mag-desisyon kung ano ang karampatang dapat nilang abutin."

 

Power of three ?????

A photo posted by Doreen & Antonio Dizon-Tan (@doreenandanton) on

 

On Christmas Day: 'Normal pa rin, may kulang lang' Alam man ng kanilang mga anak ang problemang pinagdaraanan ng mag-asawa, sinusubukan pa rin daw ni Sunshine na maging masaya at matatag para sa mga ito.

Nagkaroon pa raw ng pagkakataon na muling mabuo ang kanilang pamilya dahil na rin sa pakiusap ni Doreen.

Kuwento ng aktres, "That was one time and I asked my lawyer if it was okay. My daughter requested if we could both attend their Family Day. Sabi naman ng lawyer ko, as long as I'm okay, hindi dapat gawing issue."

"My children know what's going on. When the time comes, siguro I will just explain kung anoman 'yan. As of now, let us let them be. They are children. Hanggang kaya ko pang i-shield sila at protektahan sila, gagawin ko. We're taking it one day at a time. As much as I can, binibigyan namin sila ng sense of normalcy. Si Tim, pumupunta sa bahay, kinukuha 'yung mga bata, naghahatid-sundo. That's about it," pahayag pa niya.

 

Annie ????

A photo posted by Doreen & Antonio Dizon-Tan (@doreenandanton) on

Ngayong Pasko, plano ni Sunshine na sundin ang tradisyong nakagawian na ng kanilang pamilya.

Maliban sa pagbisita sa kanilang mga kamag-anak, umaasa rin daw ang aktres na makapagdiwang sina Doreen at Anton kasama ang kaniyang father-in-law, na nananatiling malapit sa aktres.

Aniya, "Katulad ng dati, same tradition, with my family in the South. I just don't know if my father-in-law will be able to get my children on the 25th. As much as I can, normal pa rin sana. May kulang lang."

Nakatakdang bumida si Sunshine sa upcoming GMA Afternoon Prime series na "Ika-Anim Na Utos," kung saan siya gaganap bilang si Emma, isang maybahay na pinagtaksilan ng asawa.

Kasama niyang magbibigay-buhay sa kuwento sina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, Mike Tan, Marco Alcaraz, Rich Asuncion, Daria Ramirez, Carmen Soriano, Mel Martinez, at Arianne Bautista.

Mapapanood na ang “Ika-Anim Na Utos” araw-araw sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Eat Bulaga! — VVP, GMA News