Pia Wurtzbach and Marlon Stockinger go on a date in Singapore
Muling nagpakilig si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang Filipino-Swiss racer na si Marlon Stockinger nang ibahagi nila sa kani-kanilang social media accounts ang pinakahuli nilang date night.
Lumipad patungong Singapore ang dalawa upang sandaling magpahinga mula sa kani-kanilang trabaho at makapaglaan ng oras para sa isa't isa.
"Dinner date" ang nakalagay na caption sa larawang ibinahagi ni Marlon, na kinunan sa Osteria Mozza.
Nagpakuha rin ng larawan ang dalawa sa Marina Bay Sands, isa sa mga pinakasikat na tourist attractions sa Singapore.
"Saw the Marlion in Singapore," ayon kay Pia.
Saw the Marlion in Singapore ???????????? @marlonstockinger
A photo posted by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on
Sa naunang pahayag, inamin ni Marlon na madalas silang magkita ng Filipina beauty queen.
Aniya, masaya siya sa pagkakataong mas makilala pa ito. Gayunpaman, nais raw muna nilang panatilihing “low-key” ang anomang namamagitan sa kanilang dalawa. — VVP, GMA News