ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK
Add GMA on Google
Buboy Villar's belated Christmas gift to girlfriend is an Enchanta tattoo!
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang araw matapos ang Pasko, may pahabol na regalo ang Kapuso actor at “Encantadia” star na si Buboy Villar para sa kaniyang kasintahang si Angillyn Gorens.
Nitong Lunes, ipinasilip ni Buboy sa Instagram ang kaniyang bagong tattoo na si Angi ang naging inspirasyon.
Nakaguhit sa likod ng 18-year-old actor ang pangalan ng kaniyang kasintahan sa wikang Enchanta, o ang wikang gamit sa hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” kung saan gumaganap si Buboy bilang Wantuk.
“For you! @_angiloove! Forever na 'to. Nandito ka sa katawan at puso ko. Salamat at merong Nchan,” aniya.
Labis naman ang pasasalamat ni Angie sa kaniyang kasintahan para sa espesyal na regalong ito.
Ayon sa kaniya, “That was so sweet of you tattooing my name in enca alphabet. I love you so much! Words can not describe how much I love you.”
A photo posted by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on
Magkasama ngayong sina Buboy at Angi sa iisang bahay, at nais umano nilang patunayan sa lahat na kaya nilang panindigan ang kanilang pagmamahalan. http://www.gmanetwork.com/news/story/579373/showbiz/chikaminute/buboy-villar-girlfriend-angillyn-gorens-explain-decision-to-live-together-before-marriage
Ayon kay Buboy sa naunang panayam, “Ang masasabi ko lang, masaya ako sa sitwasyon namin ngayon, at kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataong sabihin lahat ng saloobin ko para kay Angie, sasabihin kong totoo lahat 'yun at walang halong panloloko.”
“Maraming nagsasabi na 18 pa lang kami, bata pa kami, marami pang puwede gawin sa buhay. Those are true, pero naisip ko, puwede kong gawin 'yung mga masasayang bagay na kasama siya at puwede kong tuparin ang mga pangarap ko na kasama ko siya,” dagdag pa niya. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News
More Videos
Most Popular