ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Maine Mendoza gives heartfelt birthday message to Alden Richards


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinagdiriwang ng Kapuso host-actor at Pambansang Bae na si Alden Richards ngayong Lunes, January 2, ang kaniyang ika-25 na kaarawan.

Matapos ang isang nakakatuwang “Eat Bulaga!” production number, isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga Dabarkads, kabilang na ang Kalyeserye Sweetheart at ka-loveteam ni Alden na si Maine Mendoza.

Ayon kay Maine, “Happy happy birthday, Alden. 25 ka na. Wish ko lang sa sa'yo, sana kung ano 'yung mga kahilingan mo sa Diyos at aspirations mo ay matupad. Sana lagi kang masaya. Alam mo naman 'yung mga sinasabi ko sa'yo—sana huwag mong kalimutan 'yun.”

Tulad ng marami, pinaalalahanan rin ng dalaga si Alden na magpahinga mula sa trabaho at alagaan ang kaniyang sarili.

“Gets ko naman na trabaho, pero huwag mong kalimutan na magpahinga. Take a break and enjoy life. Bata pa tayo. Marami pa tayong magagawa. Huwag ka masyadong kayod-kuwarenta anyos! Sana lagi kang masaya and I'm always here for you,” dugtong ng dalaga.

Hindi naman pinalampas ni Alden ang pagkakataon na magpasalamat kay Maine, na naging matalik na kaibigan na rin niya sa likod ng camera.

Ayon sa Pambansang Bae, “Alam mo naman 'yung mga nangyari sa atin before, noong 2016—good, bad, happy, sad, ups, and downs. Ang dami. Sana ma-realize mo na kahit hindi tayo madalas magkikita, except sa barangay, pero 'yung care ko sa'yo ay hindi nagbabago. Kahit from afar lang ako, alagaan pa rin kita the best way I can.”

“Kung ano man ang mayroon tayo ngayong 2017, palakasin natin. Sana kung ano 'yung relationship natin ngayon, palakasin natin at patatagin. Ang daming mangyayari sa 2017. I'm thankful for you being there for me kahit na minsan ay nagkakasamaan tayo ng loob,” dagdag pa niya.

 

 

Sa kaniyang Twitter account, nag-post rin si Maine ng mensahe para sa birthday boy.

“Take a break, breathe and enjoy the simple pleasures in life. Happy birthday, Tans,” aniya.

 

 

Maliban kay Maine, nagpaabot rin ng pagbati ang ilan pang kaibigan at tagahanga ni Alden, kabilang na ang author na si Michael Faudet at American country singer na si Bryan White.

 

 

 

 

 

 

 

 

Naghahanda na ngayong ngayon ang phenomenal AlDub loveteam para sa "Destined To Be Yours," ang kauna-unahang teleserye na pagbibidahan nilang dalawa. 

Kabilang ang "Destined To Be Yours" sa mga aabangang Kapuso teleserye para sa susunod na taon.

Kasama rin sa 2017 drama offerings ng GMA Network ang "Meant To Be" nina Barbie Forteza, Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto; at ang Pinoy version ng hit Koreanovela na  "My Love From The Star" nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. — RSJ, GMA News