Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Dingdong Dantes prepares for new show ‘Case Solved’


Kasabay ng patuloy na pamamayagpag ng “Alyas Robin Hood” sa Primetime, pinaghahandaan na rin ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang bagong programang pagbibidahan niya ngayong taon.

Pangungunahan ng aktor bilang host ang “Case Solved,” isang docu-drama na tatalakay sa iba't ibang krimen at sa mga paraan upang mapigilan ang mga ito.

"Using the elements of interview, dramatization, actual videos and photos... (The program) will present to the viewers the know-hows of crime prevention," paliwanag sa inilabas na press release kamakailan lamang.

Nitong Miyerkules, ipinasilip na sa social media ang simula ng paghahanda ni Dingdong para sa nasabing kakaiba at kaabang-abang na programa ng GMA.

 

 

Abangan ang Kapuso Primetime King @dongdantes sa #CaseSolved, malapit na!

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on

 

Bukod sa mga programa ni Dingdong, inaabangan na rin ng kaniyang mga tagahanga ang pagbabalik-tambalan nila ng kaniyang asawa at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Huling pinagbidahan ng DongYan ang "My Beloved," isang Kapuso romantic drama-suspense-thriller noong 2012.

"Dingdong will still be busy with 'Alyas Robin Hood' during the first quarter. As for Marian, we are presenting some options to her for her comeback. But definitely, she will be part of primetime," ayon kay GMA SVP for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable sa isang press conference noon isang buwan.

[READ: GMA-7 presenting options for Marian Rivera's primetime return

Ilan pa sa mga inihandang programa ng GMA Network ngayong 2017 ang "Destined To Be Yours" nina Alden Richards at Maine Mendoza, at ang Pinoy version ng hit Koreanovela na  "My Love From The Star" nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Inaabangan na rin ng marami ang "Mulawin vs. Ravena," na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Regine Velasquez, Derrick Monasterio, Bea Binene, at marami pang iba. — RSJ, GMA News

LOADING CONTENT