Regine Velasquez on why she doesn’t want son Nate to enter showbiz: The expectations are impossible
Hindi ipagkakait ng Kapuso host-actress at Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang kaniyang suporta sa anak na si Nate anuman ang industriyang nais nitong pasukin sa hinaharap, ngunit aminado ang "Full House Tonight" star na hinihiling niyang hindi sana maibigan ng kaniyang anak ang pag-aartista.
Aniya, natatakot siyang dumating ang panahon na kailangang harapin ni Nate ang expectations ng mga taong nasubaybayan ang karera niya at ng kaniyang asawa at singer-songwriter na si Ogie Alcasid, na dalawa sa pinakamagagaling na artists sa larangan ng musika sa Pilipinas.
Paliwanag ni Regine, "Ang hirap kapag anak ka ng artista. 'Yung expectations are so high. Kung maging singer siya, parang natatakot ako for him. The expectations are impossible, dahil anak ka ni ganito o ganiyan."
"Hindi masyadong makatao ang expectations. Hindi makatarungan!" pabiro niya pang dagdag.
Hiling ng Asia's Songbird, kapag dumating ang panahon na nais nang subukan ni Nate ang pag-aartista, malimutan na sana ng mga tao ang legasiya nilang mag-asawa.
Ayon sa kaniya, "Maybe in his time, baka makalimutan na nila si Regine. Sana nga, para he can be his own if ever he'll be a singer."
A video posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on
Sa naunang panayam, naibahagi ni Regine na hilig talaga ni Nate ang pagkanta.
"“He’s always singing. That’show I find him actually in the house, I follow his voice," kuwento ng proud mom.
[READ: Regine Velasquez says showbiz is too soon for son Nate]
Pinaghahandaan ngayon ni Regine ang nalalapit na pagpapalabas ng pinakabagong Kapuso comedy musical show na “Full House Tonight,” kung saan makakasama niya Joross Gamboa, Solenn Heussaff, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at ang mga batiakng komedyante na sina Philip Lazaro, Kim Idol, Terry Gian, Sarah Pagcaliwagan, Tammy Brown, at Nar Cabico.
Mapapanood na ang bagong programa ng GMA Network simula sa darating na Sabado, February 18, pagkatapos ng “Magpakailanman.” — RSJ, GMA News