Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera announces new venture ‘Flora Vida’


Hindi lingid sa kaalaman ng marami na hilig ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang flower arrangement, kaya naman marami ang natuwa nang ibahagi ng aktres ang kaniyang pinakabagong venture—ang Flora Vida: Perennial Blooms by Marian.

Nitong Miyerkules, ipinasilip na ni Marian ang logo ng Flora Vida, kaakibat ng caption na "Soon...#Bucketlist."

 

 

Soon... ???? @floravidabymarian #Bucketlist ??

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on

 

Sa Instagram account naman ng Flora Vida, nagbahagi na rin ang Kapuso actress ng isa pang teaser para sa bago niyang venture.

Aniya sa isang post nitong Miyerkules, "Everybody loves flowers."

 

 

Everybody loves flowers! ????

A photo posted by Flora Vida By Marian ???? (@floravidabymarian) on

 

Tila nagkatotoo na nga ang sinabi ng Kapuso Primetime King at "supportive husband" ni Marian na si Dingdong Dantes: "Is this an alternative career in the making?"

Dagdag pa ng aktor sa naunang panayam, “We (Letizia and I) are your biggest fans- whatever industry it may be."

Matatandaang noong nakaraang taon, kasabay ng Mother's Day, isang pagkakataong maging florist ang regalo ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kaniyang asawang si Marian.

[LOOK: Marian Rivera tries hand at flower arrangement this Mother's Day

Isa rin ang flower arrangement sa mga naging aktibidad sa Kapuso morning talk show na "Yan Ang Morning!" noong bumisita ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

[IN PHOTOS: Behind the scenes of Kris Aquino's appearance at 'Yan Ang Morning!'

— RSJ, GMA News

Tags: marianrivera