ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jake Vargas joins ‘Encantadia’ as Gilas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang bagong karakter na naman ang susubaybayan sa “Encantadia” ngayong taon!

Kasabay ng pagpapakilala kay Inah de Belen bilang Deshna/Luna nitong nakaraang linggo, nakilala na rin ng mga manonood si Jake Vargas bilang Gilas.

Matatandaang huling nagpakilig ang dalawa bilang loveteam sa GMA Afternoon Prime series na “Oh My Mama!”

Ayon sa Kapuso actress sa naunang panayam, “When I found out, sabi ko, 'Oh my gosh! Pinapanood ko ito before tapos kasama na ako.' Medyo physical talaga 'yung role ko at ibang-iba sa 'Oh My Mama.'”

 

Gilas x luna

A photo posted by Jhake Angelo Vargas (@jakevargasofficial) on

 

Hindi pa man lubos na nakikilala ang kanilang mga karakter, nasasabik na ang mga tagahanga ng dalawa lalo na't tila magiging magkatambal muli sila rito.


Encantadia: Avisala, Luna | Episode 150 by encantadia2016

Bukod kay Inah at Jake, inaabangan na rin ng Encantadiks ang pagpapakilala sa ilan pang bagong karakter.

Ngayong nakabangon na muli ang kaharian ng Etheria, marami na ang nasasabik na malaman kung sino ang magbibigay-buhay kay Reyna Avria, na ginampanan ni Francine Prieto sa orihinal na “Encantadia” noong 2005.

Ilan pa sa mga bagong karakter na inaasahang ipakikilala sa mga susunod na araw ang mga Etherian na sina Odesa, Andora, at Hubila.

WATCH: Isang lumang kaharian ang muling babangon sa 'Encantadia'

Subaybayan ang painit nang painit na kuwento ng “Encantadia” sa GMA Primetime araw-araw, pagkatapos ng “24 Oras.” — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News