Mariel Rodriguez, Robin Padilla go on 'first date'
Ibinahagi ng host-actress at proud first-time mom na si Mariel Rodriguez ang ilang larawan mula sa “first date” nila ng kaniyang asawa at sikat na action star na si Robin Padilla—ang unang beses na nakapag-bonding silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang panganay na anak at unica hija na si Isabella.
Kuwento ni Mariel, ang apat na oras na date nila ni Robin ang pinakamatagal na panahong nawalay siya kay Baby Isabella mula nang isilang ito noong nakaraang taon sa United States.
Ito ang unang beses na nakapag-date ang mag-asawa mula nang nakabalik sa Pilipinas si Mariel at Baby Isabella noong nakaraang buwan.
Aniya, “(It is) my first time to leave my daughter for 4 hours. Since she was born, I have always been by her side and this was the longest that we have been apart. Groundbreaking, really. My first time to go on a date with my husband after Isabella.”
Sa kanilang “first date” ngayong taon, naranasan rin ng first-time mom ang gumamit ng breast pump sa labas ng bahay.
“Our first date for 2017. Our first time to take the van, just the 2 of us (because the other car broke down hehe). My first time to eat in a restaurant after isabella. My first time to watch a whole movie after isabella. My first time to pump outside the house. My first time to feel that my daughter missed her mom,” pagpapatuloy ni Mariel.
Nagpapasalamat raw ang host-actress sa kaniyang asawa sa pagkakataong ito, dahil bukod sa pagre-relax, na-realize rin daw ni Mariel kung gaano siya kamahal ng kanilang anak.
Pagtatapos niya, “Thank you babe for encouraging me to do this and for this video I grabbed from you hehe! To my Isabella, thank you for needing mom.”
READ: Mariel Rodriguez gives birth to Baby Isabella
LOOK: Robin Padilla, nakapiling na ang kaniyang mag-inang sina Mariel at baby Isabella
—KG, GMA News