ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera sends encouraging message to women: ‘Huwag kayong matakot magbuntis’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Marami ang humahanga sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil bukod sa pagiging sweet at hands-on mom kay Maria Letizia, ang panganay na anak nila ng "Alyas Robin Hood" star at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, napanatili rin niya ang malusog at sexy niyang pangangatawan matapos magbuntis.

Ayon kay Marian, walang sikreto ang kaniyang magandang pangangatawan kundi healthy lifestyle.

Bukod sa pagkain nang tama, sinisiguro rin daw niyang nakakapaglaan siya ng oras sa pag-eehersisyo.

Paliwanag niya sa naganap na press conference nitong Miyerkules, "Hindi ako nagda-diet talaga kasi nagbe-breastfeed pa rin ako. Kung magda-diet ako, walang sustansyang makukuha ang anak ko sa gatas."

"Ang maganda, 'yung asawa ko ang nagpupusiging mag-exercise kami. Sa village lang, tumatakbo kami," dagdag pa niya.

 

 

Nais raw ni Marian na maging isang inspirasyon sa mga kababaihang nais bumuo ng sarili nilang pamilya.

Aniya, "Gusto kong maging magandang ehemplo sa mga nanay na natatakot magbuntis, natatakot mag-iba ang shape nila kapag nagbuntis sila."

"Huwag silang matakot magbuntis. Puwede naman, basta alagaan nila ang sarili nila... Kumain lang nang sapat. Ang sabi ko nga, lahat naman puwede, huwag lang sobra," pagtatapos niya.

 

 

Yan Ang Tiyan! Yan ang Curves!! ???????????? #MarianRivera

A post shared by ???????????????Team Dantes (@thedongyanatics) on

 

Pinaghahandaan ngayon ni Marian ang kaniyang pagbabalik-Primetime matapos ang humigit-kumulang dalawang taon.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, "Marami silang in-offer na iba-ibang concepts, pero ito talaga ‘yung naaliw ako. Sabi ko, ‘Ay, magugustuhan ito ng kahit anong age. At na-miss ko itong gawin.’" — RSJ, GMA News

Tags: marianrivera