ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Bernal talks about playing a ‘dual character’ for the first time


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tulad ng kaniyang mga tagahanga, nasasabik na rin ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa nalalapit na pagpapalabas ng “Impostora,” ang inaabangang GMA Afternoon Prime series kung saan dalawang karakter ang gagampanan ng aktres.

Sanay man siya sa madadramang roles, aminado si Kris na isang malaking hamon ang maging “bida-kontrabida."

Sa isang Instagram post, ibinahagi niya ang kaniyang nararamdaman ngayong patuloy ang kaniyang paghahanda para sa nalalapit na pagpapalabas ng kaniyang pagbibidahang teleserye.

Aniya, “The fun in portraying a bida-kontrabida role! I've always been the sweet and the api-apihan one since I started bagging lead roles in drama soaps. How fun it is to explore how to use my eyes and speak through it. Reflects my inner thoughts and emotions.”

“My first to play a dual character! Still need to put more effort, have to work on with the antagonist character as I am not used to portraying such!” dagdag pa niya.

 

Nitong nakaraang linggo, pinag-usapan ng marami ang isa sa mga magiging hitsura ni Kris sa “Impostora.”

Suot ang makapal na prosthetics, halos hindi na makilala ang Kapuso actress habang binibigyang-buhay niya si Nimfa, na inilarawan niya bilang “mahirap at ipinanganak na hindi ganoon kaganda. Simple lang, at lagi siyang inaasar ng mga tao na 'Nimfanget.'”

Gayunpaman, payo ni Kris sa lahat, "Remember, beauty is how you feel inside, it’s not ‘always’ something physical."

 

Isa lamang si Nimfa sa mga gagampanang karakter ni Kris sa upcoming GMA Afternoon Prime series na "Impostora."

Abangan ang mga bagong karakter na bibigyang-buhay ng Kapuso actress sa nasabing programa ngayong taon! — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News