ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

TJ Trinidad joins stellar 'Mulawin vs. Ravena' cast, receives greeting from 'Aguiluz'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ibinahagi na ng aktor na si TJ Trinidad nitong nakaraang Huwebes na magiging bahagi siya ng upcoming Kapuso fantasy series na “Mulawin vs. Ravena,” isa sa pinakamalaking produksiyon ng GMA Network ngayong 2017.

Ayon sa Instagram post ni TJ, gaganap siya bilang Greco.

Kabilang ang aktor sa mga bagong artistang bubuo sa inaabangang sequel ng “Mulawin,” ang iconic Kapuso telefantasya na ipinalabas noong 2004.

 

#mulawinvsravena #gmanetwork ????????????

A post shared by TJ ???????? (@tj_trinidad) on

 

Kabilang sa mga unang bumati kay TJ si Richard Gutierrez, ang aktor na bumida sa “Mulawin” bilang Aguiluz 12 taon na ang nakalilipas.

Kasama rin sa mga bibida sa "Mulawin vs. Ravena" sina Dennis Trillo, Regine Velasquez, Heart Evangelista, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Wyn Marquez, Derrick Monasterio, Bea Binene, Chynna Ortaleza, at marami pang iba.

Inaasahang ipapalabas ang nasabing programa sa GMA Primetime series ngayong 2017.
?
Abangan kung sino pa ang bubuo sa stellar cast ng inaabangang sequel ng iconic Kapuso telefantasya! —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News