ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Alma Concepcion-led team renovates Eugene Domingo's home


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ibinida ng batikang aktres at komedyanteng si Eugene Domingo ang bagong bihis ng kaniyang bahay, na personal na ni-renovate ng kaniyang kaibigan at kapwa-artista na si Alma Concepcion.
 
Lingid sa kaalaman ng marami, bukod sa pagiging aktres, abala rin si Alma ngayon bilang isang interior designer.
 
“She graduated Interior Design from UP Diliman, in case you don't know,” pagmamalaki ni Eugene tungkol sa kaibigan.
 
Sa isang maikling “renovation video,” ipinasilip ng “Dear Uge” star ang mga pagbabagong ginawa ni Alma at ng team nito sa kaniyang tahanan, kabilan na ang repainting at retiling.
 
Paglalarawan niya sa gawa ng aktres at interior designer, “Just... clean space.”
 
 
Ayon kay Alma, hindi tumagal ng isang buwan ang renovation ng bahay ni Eugene, na tinawag niyang "Project Clean and White by Team Alma."
 
"Old parquet floor changed to glossy concrete finish... From dark brown wall to white" ang ilan sa mga pagbabagong ginawa ng interior designer.
 
Dagdag pa ni Alma sa kaniyang paglalarawan sa renovation project para kay Eugene, "Repainted dark & heavy interiors to light & earth tone palettes. Changed old parquet flooring to new tiles. Now, the user is excited & falling in love once again to her old space! The energy is now higher than before!" — DVM, GMA News