Mikael Daez shares sweet and funny birthday message for Megan Young
Ipinagdiwang ng Kapuso actress at beauty queen na si Megan Young ang kaniyang kaarawan nitong Lunes, February 27, at siniguro nga ng kaniyang kasintahan at “Legally Blind” star na si Mikael Daez na isa siya sa mga unang babati rito.
Pag-amin ng Kapuso actor, madalas siyang huling bumabati sa kaniyang kasintahan, kaya naman bumabawi siya ngayong taon.
“Because I am always the last to remember, i will be the first this year! HAPPY BIRTHDAAAAAAY!” aniya sa isang Instagram post.
Pakiusap niya pa sa kaniyang followers, “ dont forget to greet her and remind her what a hottie she is.”
Kaakibat ng sweet at nakakatuwang birthday message na ito ang isang wacky photo ng dalawa:
Matatandaang kamakailan lamang, inamin na ni Mikael na anim na taon na silang magkasintahan ni Megan.
Ayon sa Miss World 2013 titleholder sa naunang panayam, “Finally, we don't have to keep a secret anymore kahit na open secret naman talaga siya. So I'm just happy, I feel lighter.”
READ: Mikael Daez, may sagot sa hiling ni Lauren Young na pakasalan na si Megan Young—NB, GMA News