ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
DID YOU KNOW

Megan Young first met Mikael Daez while he was hiding in a closet


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang anim na taon nilang pagsasama bilang magkasintahan, kinumpirma na ng Kapuso stars na sina Mikael Daez at Megan Young ang kanilang relasyon ngayong 2017.

Sa kanilang kauna-unahang interview matapos ang pagsasapubliko ng estado ng kanilang relasyon, ibinahagi ng dalawa kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Ayon kay Megan nitong Miyerkules sa "Tonight With Arnold Clavio", September 28, 2010 nang una silang magkita ni Mikael.

"May fashion show ako and siya 'yong host. May rehearsal kami, giniginaw siya kasi sobrang lamig tapos wala pang tao. Ako, nagtatago ako sa loob ng closet kasi giniginaw rin ako, pero may jacket ako," kuwento ng Kapuso actor.

Dagdag pa niya, "So, naghahanap siya ng jacket, at pagbukas niya ng closet, nandoon ako sa pintuan.  Sabi ko, 'Are you cold? Do you want my jacket?' 'Yon na ang opening pick-up line ko. And from that point forward, tuloy-tuloy na."

 

Time capsule ???? 4th night vs 4th year ! Posting anything i want is fun!! ????

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez) on

 

Matapos ang ilang buwan pagkakaibigan at pagde-date, tinanong na ni Mikael si Megan kung nais ba nitong maging magkasintahan na sila.

[READ: Mikael Daez, may sagot sa hiling ni Lauren Young na pakasalan na si Megan Young]

Sa pagkakataong ito, ang Kapuso actor naman ang nakakatanda ng eksaktong petsa ng mahalagang araw na ito.

"Siya 'yung unang nagsabi ng I love you," ayon kay Megan.

Dugtong ni Mikael, "Wala siyang sinabi. Hindi siya nag-reply. Then, I think, the next day, sinabi niya na rin... January 6, tinanong ko na siya, 'Will you be my girlfriend?' Birthday ko 'yun."

 

2011

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

 

Matatandaang kamakailan lamang, inamin na ni Mikael na anim na taon na silang magkasintahan ni Megan

Ayon sa Miss World 2013 titleholder sa naunang panayam, “Finally, we don't have to keep a secret anymore kahit na open secret naman talaga siya. So I'm just happy, I feel lighter.” — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News