Find out why Mikael Daez, Megan Young call each other ‘Bonez’
Bago pa man nila kumpirmahin ang kanilang six-year relationship ngayong taon, nasanay na ang mga tagahanga ng magkasintahang Megan Young at Mikael Daez sa kanilang iba't ibang tawagan, o terms of endearment.
Gayunpaman, maliban sa "best friend" at "travel buddies," lingid sa kaalaman ng marami na mayroong isang unique na tawagan ang dalawa mula pa noong magkakilala sila.
Kuwento ni Mikael sa "Tonight with Arnold Clavio" nitong Miyerkules, isang buwan pa lamang sila nagde-date at naging espesyal na sa kanila ang salitang "Bonez."
Aniya, "Noong first month na nagde-date kami, nagkukulitan kami tapos nakita ko 'yung collarbones niya."
"Sobrang payat niya, lawit na lawit 'yung bones! Parang hanger. So I said, 'Okay. I think I'm going to call you Bonez from now,'" dagdag pa ng aktor.
Matatandaang kamakailan lamang, inamin na ni Mikael na anim na taon na silang magkasintahan ni Megan.
Ayon sa Miss World 2013 titleholder sa naunang panayam, “Finally, we don't have to keep a secret anymore kahit na open secret naman talaga siya. So I'm just happy, I feel lighter.”
[DID YOU KNOW: Megan Young first met Mikael Daez while he was hiding in a closet]
— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News