ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

How to stay blooming at 63, according to Elizabeth Oropesa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Makalipas ang apat na dekada, patuloy pa rin ang pagiging aktibo ng award-winning actress na si Elizabeth Oropesa sa showbiz.

Kahit na 63 taong gulang na siya ngayong taon, hindi pa rin maitatanggi na kabilang pa rin siya sa pinakamagagaling at pinakamagagandang artista sa industriya.

Ang kaniyang sikreto? "Spreading the good vibes."

Ayon kay Elizabeth sa panayam ng "Pinoy MD" noong nakaraang linggo, "“Paano ako hindi magbu-bloom? Lahat ng ginagawa ko ay gusto ko. At saka, 'yung stress ko, very limited. Surprisingly, at my age, sobrang busy ako. There's never a dull moment in my life."

Maliban nga sa pagiging aktres, abala rin siya bilang may-ari ng isang alternative medicine clinic, bilang painter, certified SCUBA diver, at award-winning underwater photographer.

"I do not want to waste my time because life is short. Lahat ng bakante kong araw at oras, mayroon akong ginagawa... There's no such thing as age limit," pahayag ng batikang aktres.

Bukod sa pagiging abala sa iba't ibang gawain, sinisiguro rin ni Elizabeth na napapanatili niya ang magandang kalusugan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at wastong pagkain.

Nakaugalian rin umano niyang alagaan ang kutis sa pamamagitan ng tamang paglilinis nito at pagmo-moisturize gamit ang olive oil.

Higit sa lahat ng kaniyang sikreto sa masayang buhay, dasal raw ang talagang kinakapitan ng aktres.

Pagtatapos niya, "Sit down, breath in, breath out, and pray. Ang pinakamagandang meditation ay praying.” —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News