ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Paolo Ballesteros adds personal touch to new home


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang ilang taon ng matagumpay na showbiz career, natupad na ng “Eat Bulaga!” host at award-winning “Die Beautiful” star na si Paolo Ballesteros ang pangarap niyang maipatayo ang kaniyang dream home.

Nitong Miyekurles, ipinasilip ng host-actor sa kaniyang Instagram account ang bagong bahay, na binansagan na niyang “Home Sweet Home.”

“Wooooh! Lapit na!” ang sabi ni Paolo sa caption ng kaniyang post.

 

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

Siniguro rin ni Paolo na malalagyan niya ng personal touch ang kaniyang bagong tahanan.

Sa hindi pa natutuyong semento, isinulat niya ang mga pangalan ng ilan sa mga mahahalagang tao sa kaniyang buhay, kabilang na ang kaniyang nag-iisang anak na si Keira Claire.

 

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

Matapos siyang bumida sa award-winning independent film na “Die Beautiful” noong nakaraang taon, patuloy ang pagpapasaya ni Paolo bilang host sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga!”

Nitong nakaraang Pebrero, itinampok rin siya sa cover ng Team, isang magazine na para sa pagbabahagi ng iba't ibang balita at kuwento ng mga gay men sa Pilipinas at Southeast Asia. 

[READ: Paolo Ballesteros, tumanggap muli ng international award para sa 'Die Beautiful']

— RSJ, GMA News