WATCH: Janine Gutierrez, Ken Chan work as aquarists for a day!
Isang masipag na aquarist ang sinorpresa ng Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Ken Chan sa Kapuso public service show na "Day Off" nitong nakaraang linggo.
Upang mabigyan ng isang memorable day off si Kuya Bong, sina Janine at Ken muna ang sasabak sa iba't ibang trabahong ginagawa niya araw-araw.
Kabilang sa tila "ocean adventure" job ng isang aquarist ang paniniguro sa magandang kalagayan ng coral reefs sa ilalim ng dagat.
"Mahalaga 'yung ginagawa nila na pagsu-survey ng coral reefs. Nagsisilbi na rin itong reminder na maging mas maingat tayo sa ginagamit natin. Dapat mag-recycle kasi naaapektuhan talaga ang buong environment," ayon kay Janine.
Dugtong ni Ken, "Hindi ganoon kadali ang pagiging isang aquarist. Maraming mabibigat na responsibilidad ang mayroon sila."
Nasubukan rin nina Ken at Janine ang pagiging pawikan rescuers.
Tulad ng araw-araw na ginagawa ni Kuya Bong, nasubukan rin ng dalawa ang gumawa ng record para sa mga pawikan na nailigtas ng mga aquarist.
"Mahilig talaga ako sa animals. Isa rin sa fears ko 'yung maging kasalanan ng generation natin kung bakit may ma-eendanger na hayop. Baka hindi na maabutan ng mga apo natin 'yung nakikita natin ngayon sa dagat dahil sa pollution or kapabayaan," pahayag ni Janine.
Bukod sa “Day Off,” mapapanood rin si Janine sa GMA Afternoon Prime series na “Legally Blind,” habang bida naman si Ken sa Kapuso Primetime series na “Meant To Be.”
WATCH: Janine Gutierrez at Dasuri Choi, naging tattoo artists for a day!
WATCH: Janine Gutierrez at Ken Chan, naranasang maging snake-venom extractors
—LBG, GMA News