ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dennis Trillo reprises role as Gabriel in ‘Mulawin vs. Ravena’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa mga muling bibida bilang isang taong ibon sa upcoming Kapuso Primetime series na “Mulawin vs. Ravena,” ang pagpapatuloy ng kuwentong binigyang-buhay sa 2004 iconic Kapuso telefantasya na “Mulawin.” 

Gagampanan muli ni Dennis si Gabriel, na noon ay isang taong naging Ravena, at ngayon ay hari na ng Halconia.

Aniya sa isang panayam nitong Lunes, “Very nostalgic ang pakiramdam. Matagal rin akong hindi nakagawa ng fantasy, at very memorable itong 'Mulawin' sa akin dahil, more than 10 years ago, isa ito sa pinakaunang shows ko sa GMA noong nagsisimula pa lang ako.”

“Napakalaking honor na mapasali ulit sa show na ito. Isa ako sa mga suwerteng mula sa original cast na napabilang ulit dito. Very happy and excited,” dagdag pa niya.

Mula rin sa original cast ng “Mulawin” si Miguel Tanfelix, na muling bibigyang-buhay si Pagaspas.

 

 

Gabriel after 13 years... #mulawinvsravena

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

 

Aminado si Dennis na nakakaramdam pa rin siya ng kaba at pressure ngayong magbabalik-telebisyon ang sinubaybayang kuwento ng mga Mulawin at Ravena, ngunit nasasabik rin daw siyang mapanood ng mga Kapuso ang star-studded cast at ang mas pinagandang special effects.

Paglalarawan ng aktor sa cast ng “Mulawin vs. Ravena,” na inaasahang ipapalabas ngayong taon, “Pinagsama-sama ang mga batikan, magagaling, at pinakasikat sa GMA.”

Ayon pa sa Kapuso actor, “'Yung pressure, nandiyan naman lagi, hindi mawawala. Pero kapag nakita mo naman 'yung production value, 'yung mga artistang kasama ko, nakaka-excite talaga. Isa ito sa pinakamalaking shows ng GMA, kaya kampante kaming lahat. ”

“In terms of special effects, marami nang advance na naganap, kaya kailangan abangan nila 'yung mga eksenang lumilipad na 'yung mga Mulawin at Ravena... Marami nang magagandang eksenang nagawa at excited na kaming i-share sa lahat,” pagbabahagi pa ni Dennis.

 

 

Ang mga bagong maghahari sa himpapawid. #MulawinVsRavena

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

 

Makakasama ni Dennis sa “Mulawin vs. Ravena” sina Heart Evangelista, Lovi Poe, Carla Abellana, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio. TJ Trinidad, Angelu de Leon, Bobby Andrew, Nova Villa, Valerie Concepcion, Roi Vinzon, Joko Diaz, Charee Pineda, Kiko Estrada, Bea Binene, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Wyn Marquez, David Licauco, Regine Velasquez, Ariel Rivera, at Tom Rodriguez.

“Napakaganda ng kuwento ngayon. Kung ano ang ikinaganda dati, sinubukan pa nilang higitan. Noong nabasa ko 'yung material, ang sabi ko agad, kailangan ko itong gawin,” ayon sa aktor.

Abangan ang muling paglipad ng mga Mulawin at Ravena sa GMA ngayong 2017! — RSJ, GMA News