ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tickets to Alden Richards’ Upsurge Concert sold out in three days


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maliban sa kaniyang gabi-gabing pagbida sa GMA Primetime series na “Destined To Be Yours,” abala rin ang Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Alden Richards sa paghahanda par as akaniyang major solo concert na “Upsurge.”

Magaganap ang nasabing concert sa darating na Mayo, kasunod ng matagumpay na Aldenvasion concert noong 2016, ngunit ngayon pa lamang ay sold out na ang tickets para dito.

Ayon sa GMA Records nitong nakaraang linggo, “#AldenUpsurge is officially SOLD OUT just 3 days after it was made available for sale to the public! Amazing! Thank you to those who purchased tickets!”

 

 

Gaganapin ang pinakabagong major solo concert ni Alden bilang  pasasalamat sa kaniyang mga tagahanga, na naging daan upang maging certified hit ang mga album niyang “Wish I May” at “Say It Again,” na inilabas noong 2015 at 2016.

Magaganap ang #AldenUpsurge concert sa darating na May 27 sa Kia Theater, Quezon City. —NB, GMA News