Original ‘Encantadia’ Sang'gres reunite with Direk Mark Reyes
Matapos ang ilang taon, muling nagsama-sama ang mga orihinal na Sang'gre ng hit 2005 Kapuso fantasy series na “Encantadia”—sina Sunshine Dizon, na gumanap kay Sang'gre Pirena; Iza Calzado, na gumanap bilang Sang'gre Amihan; Karylle, na gumanap bilang Sang'gre Alena; at Diana Zubiri, na gumanap bilang Sang'gre Danaya.
Nagkita ang apat nitong nakaraang Sabado sa birthday celebration ni Direk Mark Reyes, ang direktor na nanguna sa pagbuo ng “Encantadia” noong 2005, at muli nitong 2016.
“Finally! Complete Sang'gres! Ashna ivo live moment,” ayon kay Karylle sa isang Instagram post.
Pahayag naman ni Sunshine sa isang hiwalay na post, “Side by side or miles apart, we will always be connected by heart.”
Naroon din sa pagtitipon si Alfred Vargas, na gumanap naman noon bilang si Aquil.
Mula nang magbalik-telebisyon ang “Encantadia” noong 2016, kabilang sina Sunshine, Diana, at Alfred sa mga muling nagbigay-buhay sa kuwento bilang Adhara, Lilasari, at Amarro.
Sa isang video, ibinahagi pa ng mga Sang'gre ang kani-kanilang mga pinagkakaabalahang projects at negosyo, higit sa sampung taon matapos silang bumida sa “Encantadia.”
Ayon kay Karylle, “Would you love to see us in a project together? Request na!”
A post shared by karylle tatlonghari-yuzon (@anakarylle) on
Bida ngayon sa “Encantadia” bilang Sang'gre Pirena, Amihan, Alena, at Danaya sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.
Kasama nilang muling nagbibigay-buhay sa telefantasya sina Ruru Madrid, Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Klea Pineda, Phytos Ramirez, Marx Topacio, Arra San Agustin, Inah de Belen, Neil Sese, at marami pang iba.
Mapapanood ang “Encantadia” gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng “24 Oras.” — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News