Kylie Padilla shares sonogram, pens poem for her baby boy
Kinumpirma na ng Kapuso actress at “Encantadia” star na si Kylie Padilla na lalaki ang magiging panganay na anak nila ng aktor na si Aljur Abrenica.
Sa isang tweet nitong nakaraang linggo, ibinahagi ng aktres na puro lalaki na raw ang makakasama niya sa bahay—mula sa mga alagang aso at pusa, hanggang sa kaniyang kasintahan at magiging anak.
“I have 2 male cats, 1 male dog and 1 male partner and soon 1 male baby... Dayum, all this testosterone though!” aniya.
I have 2 male cats, 1 male dog and 1 male partner and soon 1 male baby. Dayum all this testosterone though ????
— Kylie Nicole (@kylienicolep) April 7, 2017
Ipinasilip rin ng proud mom-to-be ang sonogram ng kanilang baby boy, kasama ang isang tulang ginawa niya para sa kaniyang panganay na anak.
And we hold on love
Everything will be alright
my light, in the nightKick for me always
Remind me of life's beauty
and to be happyMy little jellybean
You are where love has no end
all hate, I suspendHeal for you I will
Surrender my heart I will
Carry you I willNever be alone
Like the childhood I have known
You will be with meI'll let you teach me
That love is no charity
It is just you and me
Sandaling namamahinga si Kylie mula sa showbiz upang matutukan ang pagbubuntis niya sa unang anak nila ni Aljur.
Matatandaang na-engage ang dalawa noong Nobyembre nang mag-bakasyon sila sa Japan, at muling nag-propose ang aktor sa Pilipinas bago sila mag-desisyong tumira sa iisang tahanan.
Read more: LOOK: Kylie Padilla shows off her baby bump
— Bianca Rose Dabu / AT, GMA News