Heart Evangelista stars in new reality TV show ‘Follow Your Heart’
Susubukin ng Kapuso host-actress na si Heart Evangelista ang tatag ng iba't ibang real-life at showbiz couples sa pinakabagong GMA reality game show—ang “Follow Your Heart.”
Nitong nakaraang linggo, ibinahagi na ng aktres ang official teaser at poser ng bagong programang kaniyang pagbibidahan.
Aniya, “Yahoooooo!!! Here we go!!! Kaya ko ito, mga besssssss!!”
Sa magkahiwalay na posts, ipinasilip ni Heart ang mga pagdaraanang pagsubok sa “Follow Your Heart.”
Ayon kay Heart sa naunang panayam, “Excited ako kasi it's my first project after a while at isa pa siyang reality show.”
"Kaya for a change, hindi nila makikita ang isang character mula sa telenovela, makikilala nila ako at yung guests ko in a very natural and sincere way," dagdag pa niya.
Mapapanood na ang “Follow Your Heart” simula sa darating na Linggo, April 23, 5:00 p.m.
—LBG, GMA News