ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Dingdong Dantes stars in Lenten presentation ‘Selda 1430’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng Kapuso Primetime series na "Alyas Robin Hood," muling magpapakitang-gilas sa pag-arte ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa Lenten presentation ng APT Entertainment na pinamagatang "Selda 1430."

Gaganap si Dingdong bilang Argel Corpuz, isang presong nahatulan sa salang robbery/hold-up, na "lunod na lunod ang pagkatao sa lungkot at galit."

"Walang pamilya, walang kaibigan, walang makausap, pero may nakikinig," ayon sa teaser na inilabas nitong Huwebes.

Sa pagtatanghal na pinangunahan ng batikang direktor na si Joyce Bernal, mapapanood kung paano matututuhan ni Argel ang "maging mabuti, magmahal, at maging tao."

Mapapanood ang natatanging pagganap ni Dingdong sa "Selda 1430" ngayong darating na Sabado de Gloria, April 15, 7:30 p.m. sa GMA Network. —LBG, GMA News