Janine Gutierrez, Ken Chan give travel tips for your days off!
Ngayong ramdam na ang panahon ng tag-init, sunod-sunod na ang mga bakasyong naka-plano kasama ang pamilya at mga kaibigan, kaya naman nagbahagi ng kani-kanilang personal travel tips ang Kapuso stars at "Day Off" hosts na sina Janine Gutierrez at Ken Chan para sa mas masaya at komportableng travel.
Booking flights
Kung lilipad papuntang probinsya o ibang bansa, ugaliin raw ang pagpa-plano nang maaga—anim na buwan hanggang isang taon bago ang gustong travel date—at iwasan ang peak season, o ang mga buwan mula Marso hanggang Mayo at Nobyembre hanggang Disyembre.
Maging alerto rin umano sa seat sale ng iba't ibang airlines, at ugaliing mag-book ng flights nang early morning o late evening. Huwag rin daw mag-dalawang isip na mag-book sa dalawang magkaibang airlines papunta at pabalik kung mas makakamura sa ganoong paraan.
Packing luggage
Upang maging mas maginhawa ang biyahe, "travel light" at matutong mag-adjust ayon sa laki ng maleta.
Unahing ilagay sa maleta ang mga sapatos at medyas, sunod ang mga nakarolyong damit at ang mga pouch na may lamang toiletries o mga babasaging bagay, at huli ang mga nakatuping damit na iniiwasang malukot.
Personal tips from Janine and Ken
Bilang pagtatapos, ibinahagi nina Janine at Ken ang kani-kanilang travel necessities.
Para sa "Legally Blind" actress, hindi siya maaaring umalis sa bahay nang walang dalang water bottle, mosquito repellant, at emergency medicine kit.
Ayon naman sa "Meant To Be" leading man, mahalagang dalhin sa bakasyon ang powerbank, sunblock, at toiletries—toothbrush, toothpaste, liquid soap, at shampoo.
Handa na ba kayo sa bakasyon?
—LBG, GMA News