Dennis Trillo bonds with Jennylyn Mercado's family in South Korea
Kasalukuyang nagba-bakasyon ang Ultimate Star at “My Love From The Star” leading lady na si Jennylyn Mercado sa South Korea, kung saan nakasama niyang muli ang kaniyang biological father na si Noli Pineda.
Maliban sa mag-ama, nag-eenjoy rin sa bakasyon ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz kasama ang Kapuso actor at “Mulawin vs. Ravena” star na si Dennis Trillo.
Sa magkakasunod na Instagram posts nitong nakaraang linggo, ibinahagi ng Kapuso stars ang bonding moments ng buong pamilya sa South Korea, kung saan naka-base nang ilang taon ang ama ni Jennylyn.
“Ang popogi naman nila!” ang paglalarawan ng aktres kay Dennis at Noli sa isang post.
Ayon naman kay Dennis sa caption ng isang larawan kung saan kasama niya si Jennylyn, “Seoul Mates!”
Silipin ang ilan sa mga sweet at nakakatuwang tagpo mula sa South Korea trip nina Jennylyn at Dennis kasama ang pamilya ng aktres.
Ayon kay Jennylyn sa naunang panayam, susunduin na niya ang kaniyang biological father na ilang taon nang naka-base sa South Korea upang isama pauwi sa Pilipinas.
Napagkasunduan na raw ng mag-ama na sa Pilipinas na maninirahan si Noli, kasama ng buong pamilya ni Jen. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News