ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Robin calls Kylie Padilla his ‘action protege’, ‘Daddy's little action princess’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang sweet message ang ibinahagi ng batikang action star na si Robin Padilla kamakailan lamang para sa kaniyang anak at Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Lalong na-miss ng Encantadiks si Reyna Amihan, na binigyang-buhay ni Kylie, nang ipaalam ni Robin sa lahat ang paghanga niya sa kaniyang anak matapos nitong ipamalas ang kaniyang galing sa pag-arte at pagsabak sa maaaksyong eksena.

Aniya sa isang Instagram post nitong Sabado, “My action protege! Bata pa lang ito, matindi na! Nag-gymnastics, nag-martial arts—close hand, open hand, free hand weapons—wire training, gun training, and stunts!”

“No man can beat her in combat, maging ring man o kalsada man—except with LOVE,” dagdag pa ni Robin.

Tila ibinahagi rin ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Cinema ang kaniyang suporta sa pagsasama ni Kylie at ng kaniyang kasintahang si Aljur Abrenica, na nakatakdang maging mga magulang sa kanilang panganay na anak ngayong taon.

Ayon sa kaniya, “Daddy's little action princess is now somebody's queen. In shaa Allah.”

 

 

Sandaling namamahinga si Kylie mula sa showbiz upang matutukan ang pagbubuntis niya sa unang anak nila ni Aljur.

Matatandaang na-engage ang dalawa noong Nobyembre nang mag-bakasyon sila sa Japan, at muling nag-propose ang aktor sa Pilipinas bago sila mag-desisyong tumira sa iisang tahanan. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News

More on Kylie and Robin: 

LOOK: Kylie Padilla shows off her baby bump

READ: How Robin Padilla reacted to Kylie's pregnancy