advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Find out why Pia Guanio, Steeve Mago decided to name their daughter after a New York borough


Idinaos na nitong nakaraang linggo ang masayang baby shower para sa Kapuso host-actress at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Pia Guanio at sa ikalawang anak nila ng kaniyang asawang si Steeve Mago.

Maliban sa kuwentuhan at mga palaro, bahagi rin ng pagdiriwang ang announcement ng magiging pangalan ng kanilang baby girl.

Ayon sa mag-asawa, napili nila ang pangalang Brooklyn dahil napamahal na sila sa nasabing bahagi ng New York City sa America.

Ayon sa Instagram post ng Kapuso reporter na si Nelson Canlas nitong Sabado, “They chose to name [her] Brooklyn because, according to the EB Dabarkads, she and husband [Steeve] 'fell in love' with the borough of New York City.” 

Nakatakdang manganak si Pia sa darating na May 30, halos limang taon matapos isilang ang panganay na anak niyang si Scarlet Janine.

 

Ilan lamang sa mga dumalo sa baby shower para kay Pia at Brooklyn nitong nakaraang linggo ang mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng mag-asawa, tulad nina Ruby Rodriguez, Patricia Tumulak, Toni Aquino, at Takako Saito.


LOOK: Pia Guanio shows off baby bump in family vacation photos

— Bianca Rose Dabu / AT, GMA News

LOADING CONTENT