Ken Chan gives a quick peek at his ‘2nd home’
Dahil sa kanyang busy showbiz schedule, itinuturing nang "second home" ng Kapuso actor at “Meant To Be” star na si Ken Chan ang kanyang sasakyan.
Sa gitna ng kanyang commitments, dito na nagpapahinga, kumakain, at natutulog minsan ang aktor.
May dala siyang mga libro, mga damit at sapatos, mga pagkain, water jug, comforter, coffeemaker—na bigay pa ng kanyang leading lady na si Barbie Forteza, at iba't ibang bags para sa taping, gym, at iba pang activities.
“Dala ko rin, in case of emergency—mga biglaang show, mga kanta ko na minus one,” pagbabahagi ni Ken.
Mayroon din siyang electric fan na may built-in radyo at ilaw, mga regalo mula sa kanyang fans, at mga bagay na maaaring pampalipas-oras.
Pabirong sabi ng aktor, “Kapag wala akong makausap, mayroon akong Magic Ball. Ito ang nagbibigay liwanag sa akin.”
Silipin ang itinuturing ni Ken na kanyang “ikalawang bahay":
Mapapanood si Ken sa GMA Primetime series na “Meant To Be” gabi-gabi, kasama sina Barbie Forteza, Ivan Dorschner, Jak Roberto, Addy Raj, Mika Dela Cruz, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, Keempee de Leon, Sef Cadayona, Stephanie Sol, Zymic Jaranilla, at marami pang iba. —LBG, GMA News