Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mommy Dionisia celebrates 68th birthday


Ipinagdiwang ni Mommy Dionisia Pacquiao ang kaniyang ika-68 na kaarawan nitong Lunes sa kanyang bahay sa General Santos City kasama ang kaniyang mga kamag-anak at ilang malapit na kaibigan.

Kuwento ng birthday celebrant sa panayam sa GMA News' Unang Balita, "Masayang masaya ako kasi binigyan pa ako [ng] Panginoon [ng] pagka[ka]taon...naka-abot pa ako ng 68. Sabay naman ginagaling niya ako."

Isang simpleng pagdiriwang ang ginanap ng ina ng senador na si Manny Pacquiao, kumpara sa kanyang mga nakaraang selebrasyon na kung saan ay umabot pa sa 700 katao ang dumalo. 

Simpleng salu-salo ang inihanda ni Mommy D.

Dumalo ang anak niyang si Pacquiao at iba pang anak.

Kasama rin ang ibang kamag-anak at mga malapit na kaibigan. —Marlly Rome Bondoc/KG, GMA News

LOADING CONTENT