ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Comedienne Lovely Abella, inspirado sa anak, going strong sa lovelife


Sa kanyang pagiging "Wowowin" dancer, inihayag ni Kapuso commediane Lovely Abella na nananatiling matatag ang kanyang relasyon sa kapwa dancer at theatre actor na si Benj Manalo, na nagsisilbi rin niyang "critic."

Sa tatlong taon nilang pagiging magkasintahan, sinabi ni Lovely na si Benj daw ang humihikayat sa kanya na pagbutihin pa ang pagsasayaw, bukod pa sa nagsisilbi ito bilang "best friend" niya.

Sa murang edad, meron nang sariling negosyo ang 10 taong gulang na anak ni Lovely na si Ikay. Ayon sa anak, "very kind and very supportive" raw ang kanyang ina sa kanya.

Panoorin ang buong episode sa "Tunay na Buhay" nitong Huwebes. —Jamil Joseph Santos/NB, GMA News