ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ cast nag-seminar hinggil sa HIV bilang paghahanda sa serye


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bilang paghahanda sa upcoming GMA afternoon prime series na "Hindi Ko Kayang Iwan Ka" na tumatalakay sa HIV-AIDS, sumailalim sa isang seminar ang cast na kinabibilangan nina Yasmien Kurdi at Mike Tan para mas maunawaan pa nila ang tungkol sa naturang karamdaman.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing nag-pictorial na sina Yasmien at Mike, kasama pa sina Gina Alajar, Martin del Rosario, Jackie Rice at iba pang Kapuso stars, kung saan binigyan nilang buhay ang kanilang mga karakter.

Nag-taping na rin sila at puspusan ang kanilang paghahanda, kung saan iikot ang istorya sa isang babaeng magkakaroon ng HIV.

"Napapanahon siya dahil ang taas na rin at ang dami na ring HIV sa Philippines ngayon at dapat maging aware na rin talaga 'yung mga manonood, 'yung mga tao, kung ano 'yung HIV," pahayag ni Yasmien.

"Kaming mga cast, nag-attend nung HIV 101 dito sa GMA, para i-brief kami kung ano 'yung facts and 'yung myths about HIV," sabi naman ni Martin.

May mga maiinit na eksena rin daw na dapat abangan, ayon kina Yasmien at Mike.

"May mga scenes kami na medyo sensual siya in a bit pero hindi na namin masyadong naa-ano dahil sa closeness namin. Masaya ako kasi ka-eksena ko 'yung taong kilalang-kilala ko at kumportable ako," sabi ni Yasmien.

"Alam mo, mabibigat ... 'yung mga eksena, pero panibagong challenge ito sa akin bilang aktor," pahayag naman ni Mike.

Abala man, hindi naman nakakalimutan ng cast members na magplano para sa nalalapit na Pasko.

"Basta 'pag Pasko gusto ko kasama ko lang 'yung family ko. Basta sama-sama lang kami, kakain, Noche Buena, bigayan ng exchange gift, masaya na ako nu'n," sabi ni Martin.

"Ayoko nang mag-out of town. Usually, with my dad lang sa bahay, tapos wala ring love life. K. Christmas lang, lamig," ayon naman kay Jackie.

"Ise-celebrate ko 'yung Christmas ko with my family and bagong baby ng kapatid ko," sabi ni Mike.

"'Yung husband ko may work din ng Christmas and New Year dahil hindi talaga namin maiiwasan sa line-up job, pero siguro magluluto lang ako sa house tapos kung sinong friends ang gustong dumating or families. Welcome silang kumain," sabi ni Yasmien. —LBG, GMA News