ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

15-year-old Jiro Manio hooks up with 21-year-old


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang cell phone ang binatilyong si Jiro Manio noong Linggo, November 4, para kunin ang kanyang reaksiyon sa naisulat na diumano'y gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot (marijuana). Ayon sa pinakabatang naging best actor sa Philippine showbiz via his launching movie Magnifico (2003) ay wala itong katotohanan. "Wala akong bisyo, hindi ako nagda-drugs," mariing sabi ni Jiro. "At never akong gagamit ng drugs. Hindi ko sisirain ang sarili ko sa ganyang mga bagay. Alam ko namang masama ang drugs sa katawan ng tao, so bakit ako gagamit nun?" Samantala, kinumusta rin namin kay Jiro ang kanyang showbiz career at ang ilang bagay tungkol sa kanyang personal na buhay. Busy ngayon si Jiro sa shooting ng Bahay Kubo, entry ng Regal Entertainment sa darating na Metro Manila Film Festival. Si Maricel Soriano ang lead star ng pelikula at si Jiro ang isa sa mga anak ng Diamond Star. Second time na ni Jiro na nakatrabaho si Maricel sa pelikula, na una niyang nakasama sa Mila (2001). AGE DOESN'T MATTER. May girlfriend na ngayon si Jiro, isang non-showbiz girl na nagngangalang Lhei. "Mas gusto ko kasi yung hindi taga-showbiz ang girlfriend ko para hindi kami masyadong mapapag-usapan. Gusto ko may privacy ako pagdating sa lovelife ko. "Almost five months na ang relasyon namin. Mabait siya, maganda, sexy, sweet, at thoughtful. Serious talaga ako sa kanya. Kaya kung mag-aasawa na ako, siya na ang gusto ko. Kaya lang malayo pa yung kasal kasi 15 pa lang naman ako, e," lahad ng young actor tungkol kay Lhei. Six years daw ang age gap nina Jiro at ng kanyang girlfriend. "Twenty-one na siya. Age doesn't matter naman, di ba?" rason niya. May paliwanag si Jiro kung bakit mas may edad sa kanya ang pinili niyang maging girlfriend. "Marami na akong naging girlfriends, halos kasing-edad ko lang. Pero lagi ko silang nakakaaway kasi mga isip-bata pa, e. Kaya ang gusto ko naman this time ay yung mature na para mas magkakaintindihan kami. Kahit 15 pa lang ako, mature na rin naman ang isip ko," paliwanag niya. - Philippine Entertainment Portal

Tags: jiromanio