ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Camille Prats, may hiling kina Nathan at Nala Camilla sakaling pumasok sila sa showbiz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Walang problema para kay Kapuso actor-host Camille Prats kung sakaling maisipan man ng kaniyang mga anak na sina Nathan at Nala Camilla na pumasok sa showbiz, ngunit inihayag niya ang kaniyang kondisyon dito.

Sa renewal ng contract niya sa Kapuso Network nitong Biyernes, tinanong ng GMA reporters si Camille kung nakitaan ba niya ng potensyal si Nala Camilla na sundan ang kaniyang mga yapak.

 

 

"Ay nako, matagal-tagal pa po siguro 'yon. Pero for now, ano ba? Parang, nakikita ko rin kasi how she likes to interact with people. She likes to be around people, she likes to talk to people. So seeing that somehow makes me feel like medyo ma-chika itong si bagets. So may possibility but of course, she's too young and I wouldn't know yet kung ano talaga 'yung magiging gusto niya when she grows up," anang aktres.

Hiniling ni Camille na gusto niyang makapagtapos muna sana ang mga anak bago nila pasukin ang showbiz dahil ayon na rin sa kaniyang karanasan, mahirap itong pagsabayin.

"Sa akin po okay lang, basta lang sana talaga, is I would want them to finish school first. Kasi growing up under the limelight, as a child star, it was really very hard for me to juggle both school and showbiz and my parents really told me na kailangan sabay. Kung mapapabayaan 'yung school, hindi na puwedeng mag-showbiz. So 'yung stress talaga sa akin noon, parang hindi talaga puwedeng mapabayaan 'yung school. But it was really hard."

 

 

"So for my kids, siguro mas gusto ko sana muna kung maaari, na enjoy-in muna nila 'yon. Because when they are older naman, and at the right age, at the right time, if they still want to join showbiz, siguro naman the doors will be opened for them, hopefully. Pero sana muna, mag-aral muna sila," dagdag pa ni Camille.

Tuwang-tuwa naman si Camille sa reaksyon ni Nala kapag napapanood nito ang ina sa TV, lalo na sa show niya na "Mars."

"Tumitingin siya sa TV tapos titingin siya sa akin, tapos parang takang-taka siya na parang, kasi sa bahay wala naman akong makeup so parang, tina-try niya i-figure out if it's the same person. Tapos after nu'n, pupunta na siya sa akin tapos nakatingin lang siya sa TV tapos titingin lang ulit siya sa akin. So I think she's starting to recognize me on TV. Lalo na 'pag Mars, nililipat talaga namin kasi we want to see her reaction when she sees me on TV."

Si Nathan naman, hindi na "big deal" sa kaniya na isang aktres ang kaniyang ina.

"He grew up kasi, knowing that I am (an actress), so parang it was something that was normal for him. It's not like it's such a big deal na 'My mom is an actress.' Hindi, parang normal lang sa kaniya na 'That's mom's job and I grew up knowing that' so it's really not a big deal." — BAP, GMA News